Monday, October 1, 2018

Gng. Carmela Esguera - Jose

"Ikawalawang Edisyon Pinagyamang Pluma"


Si Gng. Carmela Esguera - Jose ay nagtapos ng balediktoryan sa elementarya at sa sekundarya. nakamit niya ang kanyan digri ng Bachelor of Arts in Philippine studies, Cum laude, at Master of Arts in Philippine Literature and Education sa university of the Philippines, Diliman. Kumuha rin siya ng kurso sa Sertipiko ng malikhaing pagsulat sa filipino sa nabanggit ding unibersidad. Nakasulat na siya ng mga tula at maikling kwento at mga pag-aaral sa literaturang pambata at pagpapahalagang pilipino, nakapagturo siya ng filipino sa elementarya at sa sekundarya sa loob ng labing walong taon at nakapaglingkod bilang filipino subject coordinator sa Assumption Antipolo. Nagturo rin siya ng special filipino program sa mga non-tagalog speaker at Filipino Bridging program para sa Senior HIgh-School sa nasabing paaralan sa kasalukuyan ay tinatapos niya ang kanyang doktorado sa Educational management at patuloy paring nagtuturo ng filipino. naniniwala siya na ang pagbabahagi ng kanyang kaalaman bilang guro ay manunulat ay isang paraan ng paglilingkod sa panginoong Diyos.

Emerlinda G. Cruz

"Ibong Adarna"

Si Emerlinda G. Cruz ay guro sa Filipino (Wika at panitikan) sa loob ng mahigit na 30 taon. Nagturo siya sa sekundarya at kolehiyo sa university of the East, De La Salle University, St. Scholasticas College, at PSBA. Nagtapos siya ng bachelor sa sining sa kasaysayan, medyor sa Filipino at Master sa sining, medyor sa Filipino sa University of the East. Naging tagapangulo siya ng department ng Filipino sa St.Scholastics College, Matron of Sponsor sa PSBA - Manila.

Bernardita Santiago

"Filipino: Daan Tungo sa Pagbabago at Pag-unlad 
-Grade 2

Bernardita Santiago. Ang may akda ay nakapagtapos ng BSE ED na may espesyal na kurso sa asignaturang Filipino sa University of the East (UE) noong 1972. Nakatapos din siya ng Ma sa Edukasyon medyor sa Pre-Elem sa St.Joseph's College, 29 na taon sa La Salle Green hills bilang guro, at dalawang taon bilang tagapag-ugnay sa Filipino, kagawaran ng Mababang Paaralang La Salle. Naging Metrobank Outstanding Teacher of the Philippine noong taong 1996. Nagkamit ng mga gatimpala ng pagkilala sa paguturo sa LSGH. Sa kasalukuyan, siya ay patuloy na nagbabahagi ng karanasan sa larangan ng edukasyon.

Sunday, September 30, 2018

Gilber P. Ortega

"Filipino : Daan Tungo sa Pagbabago at Pag-unlad"

Gilber P. Ortega. Ang may akda ay nakapagatpos ng AB Political Science sa Philippine Christian University. May units sa Special Education sa De La Salle - Araneta University. Kasalukuyang guro sa Filipino sa ikaanim na baitan ng Mababang Paaralan ng La Salle Green Hills.

Zenaida Zacarias Agbon

"Filipino: Daan tungo sa pagbabago at Pag-unlad"

Zenaida Zacarias Agbon ay nagtapos ng SEED sa National Teacher's college. Tinapos niya ang MA in Social Studies sa University  of the Philippines Open University (UPOU). Naging Guro sa Mabababang Paaralan ng ilaya-barangka sa loob ng labintatlong taon. Naging guro sa sibika/Hekasi at Filipino sa La salle Green Hills at naging Filipino Koordineytor sa naturang paaralan sa loob ng tatlong taon. Iba't ibang aklat na ang naisulat ni Gng. Agbon sa Filipino at Sibika/Hekasi at ang piinakahuli ay mga aklat ng bagong limbag ang Filipino: Daan tungo sa pagbabago at pag-uunlad 3, 4, at 5.

G.Nestor S. Lontoc

"Pinagyamang Pluma 9"

Si G.Nestor S. Lontoc ay nagtapos na balediktoryan sa kanyang pag-aaral sa sekundarya. konsistent siyang iskolar ng pamantasan ng Lungsod ng maynila (PLM) kung saan siya nagtapos ng Bachelor of Science in Secondary Education, Medyor sa Social Studies, cum laude. Dito niya rin kasalukuyang tinatapos ang kanyanga thesis para sa kanyang Masteral Education.
Ang kanyang bionote ay maganda at maayos ang pagkakasulat. Nilalaman nito ang proposiyon at kontribusyon ng may akda. Siya rin ay nakapagbigay ng malaking kontribusyon sa librong pinamagatang Pinagyamang Pluma sa ika-siyam na baitang.

Gng. Ailene Baisa

PLUMA wika at Panitikan para sa Mataas ng paaralan ikalawang Edisyon
Si Gng. Ailene Baisa - Sulian ay nagtapos ng Bachelor of Science in Secondary education sa Pamantasan ng lungsod ng Maynila, Magna cum laude. Siya ang kauna-unahang recipient ng scholarship mula sa mga Alumni ng PLM Canada (PASAC). Dito rin siya nagtapos ng kanyang M.A. in education sa Academics. Siya ay nagturo nang anim na taon sa St. Paul college, pasig. Kasalukuyan siyang punungguro ng Joy in Jesus Academic sa Sta. Rita, Pampanga.