Sunday, September 30, 2018

Gng. Ailene Baisa

Si Gng. Ailene Baisa ay nagtapos ng bachelor of Science in secondary Education sa pamantasan ng Lungsod ng Maynila, magna cum laude. Siya ang kaunaunahang recipient ng scholarship ng mga alumni ng PLM Canada (PASAC). Dito niya rin kasalukuyang tinatapos ang kanyang thesis para sa kanyang M.A. in Education. Siya ay nagturo nang anim na taon sa St. Paul College, pasig. Simula pagkabata ay isa nang manunulat si Gng. Baisa julian. Naging punong patnugot siya ng opisyal na pahayagan ng mga paaralang kanyang pinagtapusan simula elementary hanggang kolehiyo. Lumahok at nagwagi siya sa iba't ibang patimpalak sa pagsulat. Aktibo siya sa pagsulat at pagrebisa ng mga modyul at silabus para sa kurikulum sa Filipino at Hekasi. Nakadato at naging bahagi na rin siya ng mga seminar at pag-pupulong pangguro para sa lalo pang ikaunlad ng asignaturang Filipino.

No comments:

Post a Comment