Monday, October 1, 2018

Gng. Carmela Esguera - Jose

"Ikawalawang Edisyon Pinagyamang Pluma"


Si Gng. Carmela Esguera - Jose ay nagtapos ng balediktoryan sa elementarya at sa sekundarya. nakamit niya ang kanyan digri ng Bachelor of Arts in Philippine studies, Cum laude, at Master of Arts in Philippine Literature and Education sa university of the Philippines, Diliman. Kumuha rin siya ng kurso sa Sertipiko ng malikhaing pagsulat sa filipino sa nabanggit ding unibersidad. Nakasulat na siya ng mga tula at maikling kwento at mga pag-aaral sa literaturang pambata at pagpapahalagang pilipino, nakapagturo siya ng filipino sa elementarya at sa sekundarya sa loob ng labing walong taon at nakapaglingkod bilang filipino subject coordinator sa Assumption Antipolo. Nagturo rin siya ng special filipino program sa mga non-tagalog speaker at Filipino Bridging program para sa Senior HIgh-School sa nasabing paaralan sa kasalukuyan ay tinatapos niya ang kanyang doktorado sa Educational management at patuloy paring nagtuturo ng filipino. naniniwala siya na ang pagbabahagi ng kanyang kaalaman bilang guro ay manunulat ay isang paraan ng paglilingkod sa panginoong Diyos.

1 comment:

  1. Ang bionote ni Gng. Carmela Esguera - Jose ay isang NAPAGANDANG BIONOTE na aking nabasa. Ang kanyang bionote ay maayos ang pagkakasulat at naiintindihang mabuti. Ang kanyang bionote ay napakalinaw para sa akin

    ReplyDelete